Sunday, February 27, 2011

Talambuhay ni Gemar Paul M. Villareal

                      Ako si Gemar Paul  M. Villareal, labing limang taong gulang. ipinanganak noong ika lima ng Nobyembre taong labing siyam at siyamnapu't lima. bunsok anak nina German C. Villareal, tubong San Marcos Lungsod ng San Pablo at Maribel Villareal tubong Piña Este, Gattaran, Cagayan Valley. Ang aking mga magulang ay nagkakilala sa Maynila dahil kapwa sila nagtatrabaho dito. Di nagtagal sila'y nagppkasal noong ika dalawampu't isa ng Hulyo taong labing siyam at walumpu't walo. Sila'y biniyayaan ng Diyos ng tatlong anak. Ang panganay ay si Regine Mae dalawampu't isang taong gulang, pangalawa  ay si Angela Marie at ako nga ang bunso at iisang lalaki.



                       Ayon sa aking ina, ako raw ay ipinanganak ng malusog. Tuwang-tuwa ang aking ama sapagkat nagkaroon  na siya ng anak na lalaki. Noong bata pa ako ay bibong-bibo ako. Gustong-gusto daw akong alagaan ng mga tiya at tiyo, mga lola't lolo dahil kamukhang-kamuka ko ang aking ama. Sinasabi ng iba na kamidaw ay pinagbiyak  na bunga.

                       Bininyagan ako noong ika dalawampu't-lima ng Abril taong labingsiyam at siyamnapu't anim sa simbahan ng San Marcos at ang araw din iyon ay kapistahan ng aming nayon. Ang aking mga ninong at ninang ay mga kamag-anak ko rin. Pagdating ng aking unang kaarawan ay nagkaroon ng kaunting salu-salo ng mga pagkain at may palaro.


                    Apat na taon at kalahati ako ng unang pumasok sa eskwela bilang kinder at aking naging guro ay si Bb. Vanessa Cosiso ngunit ilang buwan pa lamang ay tumigil na ako. Sa sumunod na pasukan ay pumasok ulit ako upang mag-aaral. Ang aking naging guro naman ay si Gng. Flor Avedoza na guro sa Day Care ng DSWD at dito ay nakapagtapos akosa Kinder bilang pinakamahusay na mag-aaral. Alam ko na sobrang ipinagmamalaki ako ng mga magulang ko. Pagkatapos kong mag-kinder ipinasok ako ng aking ina sa Unang Baitang sa Mababang Paaralan ng San Marcos. Ang aking naging guro ay si Gng. Bolaños at pinarangalan ako bilang pang-lima sa aming klase pagdating ng Recognition Day.  Sa ikalawang baitang ay si Mrs. Perla de Leon ang aking naging guro at ganoon din ang natanggap kong karangalan bilang pang-lima. Sa ikatlo ay ganoon din ang aking natamong karangalan. Sabi ko sa sarili ko na gagalingan ko na para sa susunod ay hindi na gaya ng iba ang makukuha kong karangalan. Sa pagdating ng ikaapat na baitang ay nagdilang anghel ako dahil naging pang-apat na ako sa aming klase. Sa ikalimang baitang ay marami akong nasalihan na mga patimpalak tulad ng sa MTAP. Dito ay nakaabot kami sa Finals at sa kasamaang palad ay hindi kami nanalo bagkus ay pang-apat lang kami.Sa araw ng pagkilala ay pang-apat uli ang nakuha kong pwesto. Sa huling taon ko bilang isang mag-aaral ng elementarya ay si Gng. Fatima Palacio ang aking naging guro at tagapayo. Marami akong mga nasalihan na paligsahan at sa tulong ng aking mga guro ay nakakabot naman ako sa Finals. Hindi man ako ang naging numero unong nanalo, hindi masasabing ako'y nasa pinakahuli. Pagdating ng pagtatapos ay pinarangalan ako bilang First Honorable Mention at may mga iba't-iba pang sertipiko akong natanggap, mga special awards at ako din ang hinirang na Boy Scout of the Year.


                         Gustong-gusto ko noon na sa Laguna State Polytechnic University pumasok ng High School ngunit hindi ako pinalad na makapasa sa second screening kaya naging isang wait lister lamang ako kung kaya't sa Col. Lauro D. Dizon Memorial National High School ako pumasok Hindi ko naman pinagsisihan ito dahil mahuhusay ang mga guo dito.

                        Noong unang pagsusulit para sa science section ay hindi ako pinalad na makapasa. Sa kabutihang palad ay binigyan uli kami ng pagkakataon para pumasok sa science section at dito nga'y isa ako sa mga nakapasa. Tuwang-tuwa ako dahil marami na agad akong mga kilala dito tulad ng mga nakasama ko sa MTAP. Sa unang taon ko sa sekondarya ay naging tagapayo ko si Ginoong Anderson Mission. Sa una at pangalawang markahan ay kasali ako sa top ten. Sumali ako sa essay writing at dito'y natamo ko ang ikatlong pwesto. Sa huli, ay hindi ako naging honor student dahil kulang ako sa mga Extracuricular activities. Sa pagdating ng ikalawang taon ay  si Gng. Aleli Juliano ang naging guro't tagapayo ko. Sa huli, ay pang-labingisa lamang ako kayat hindi nakasama sa mga pinarangalan. Sa ikatlong taon ko sa hayskul ay naging tagapayo ko si Gng. Diocelyn Quides at siya ring guro ko sa matematika. Sa unang markahan ay pang-labingwalo lamang ako at dahil dito ay nagpursige akong mag-aral. Nagbunga naman ang aking pag-aaral dahil sa ikalawang markahan ay pang-anim na ako at sa ikatlo ay pang-walo ako. Umaasa ako na sa huli ay mapabilang ako sa mga gagawaran ng karangalan pero kapag hindi pinalad ay ayos lang basta't pagbubutihan ko pa ang aking pag-aaral.

                        Sa kasalukuyan,  ay abala ako sa paggawa ng mga proyekto sa mga asignatura. Pinipilit ko itong matapos sa oras ng sa ganon ay wala akong magiging problema sa mga marka.

Monday, February 14, 2011

History of My Blog's Name

                   I know that my blog can be seen all over the world I will post articles that can inspire other in their life. I create this blog not only because of my project in Computer III but also to share some experiences in many bloggers. I know that If I don't use this blog in a proper way I might harm feelings of other people.
                  Blog's name is very important in a blog because only in your blog's name the reader will find out what  your articles all about. If your blog's name is too much serious only few bloggers will follow you.
                   My blog's name is Rated GP. I changed PG (parental guidance) to GP, the initial of my name Gemar Paul. In my blog there's no need to have parental guidance because all of my articles are good for children and also for adults.
   
    Rated GP

I am A Responsible Netizen

       
             We live in a generation of technological advances. From manual operations, everything turns to automatic. Computer indeed make a great difference. Truly, a simple touch make things a lot easier. Addition to this, is the existence of internet.
             Life is very lucky to live in a time where information is readily available and communication is much easier but in using internet we must be responsible.
             One way of becoming a responsible netizen is not doing plagiarism. Plagiarism is copying of someone's work without permission. We all know that many information are available in the internet. If you are going to copy something in the internet make sure that you have a proper citations. Don't plagiarize and respect other people's intelectual rights.Another way is by downloading media materials properly and do not hack. If you are going to download something make sure that you are following a correct process. Don't hack because if you caught hacking you might sent to jail so be careful of what you are doing in the internet.
             Respect other people by not using internet to by pass other's privacy. Don't use it to violate human rights. Use internet in important things  not a disgusting work. Following my advices can make you a responsible netizen.

 

Sunday, February 13, 2011

FILM REVIEW:Percy Jackson and The Lightning Thief


Pamagat: Percy Jackson and The Lightning Thief
Mga Tauhan: Percy, Grover, Annabeth, Luke, Chiron, Zeus, Poseidon, Hades, Persophone, Medusa
Buod:
              Si Percy ay anak ni Poseidon. Siya ay isang demigod o kalahating tao at kalahating diyos. Tahimik lang ang buhay niya ng biglang napagbintangan siya na kumuha ng lightning bolt ni Zeus. Ang lightning bolt ay isang napakalakas na sandata. Sinabi ni Zeus na kapag hindi ito naibalik sa kanya sa lob ng labing-apat na araw ay magkakaroon ng digmaan.
             Isang araw sa Yancy Academy kung saan nagaaralsi Percy ay bigla siyang sinugod ng isang fury. Noong aatakihin na siya nito ay biglang dumating si Mr. Brunner, ang kanyang guro at si Grover, ang kanyang kaibigan.Sinabi ni Mr. Brunner sa fury na kung hindi aalis ay pagpipirasuhin niya ito. Pagkarinig dito ay umalis na ang fury. Tinanong ni Mr. Brunner kung ano ang kailangan nito sa kanya at sinabi naman ni Percy na pinagbintangan siyang kumuha ng lightning bolt. Nangamba si Mr. Brunner kaya ibinigay niya kay Percy ang isang bolpen at sinabi kay Grover na dalhin sila sa kampo dahil doo ay ligtas sila. Bago pumunta sa kampo ay pinuntahan nila si Sally ang nanay ni Percy para isama dahil nanganganib na rin ang buhay nito.
       Habang papuntang kampo ay biglang may lumaglag na baka sa kotseng sinasakyan nila at naging dahilan ng pagtaob nito. Hindi sila makaalis doon. Nagulat si percy ng biglang nagtanggal ng pantalon si Grover at lumabas ang paa ng isang kambing. Sinipa ni Grover ang pintuan at dahil dito'y sila ay nakalabas. Nakita nila ang isang minotaur na papunta sa kanila. Dali-daling tumakbo ang tatlo sa gubat nang sa ganon ay mabilis makarating sa kampo. Nang sila'y nasa kampo na'y hindi nakapasok si Sally dahil siya'y isang ordinaryong tao lamang at dahil dito ay nadakip siya ng minotaur. Biglang naglaho si Sally sa kamay ng minotaur. Lumabas sa kampo ang galit na galit na si Percy. Nilabanan niya ito gamit ang binigay ni Mr. Brunner sa kanya na bolpen na nagiging espada pero ito ay walang magawa.Susuwagin ng minotaur si Percy pero ito ay nakailag at ang sungay nito ay bumaon sa puno at naputol. Ang nabaling sungay ay sinaksak niya sa puso ng minotaur kaya ito ay namatay. Nawalan ng malay si Percy matapos ang pangyayari.
       siya matapos ang tatlong araw na pagkakatulog. Akala niya'y panaginip lamang ang lahat pero nang nakita niya ang paa ni Grover ay napagtanto niyang totoo ang lahat pati na rin ang pagkawala ng kanyang ina. Sa loob ng kampo, ginala ni Grover si Percy nalaman niya dito na marami ang mga kakaibang tao tulag ni Chiron na isang centaur.Si Chiron ay ang guro ni Percy na si Mr. Brunner. Habang sila'y naglilibot ay nakita ni Percy si Annabeth ang anak ni Athena. Namangha siya hindi lamang sa kagandahan nito kung hindi na rin sa kagalingan nito sa pakikipaglaban.
       Tinipon-tipon ni Chiron ang lahat ng mga mandirigma. Pinapili niya si Percy kung saan grupo sasama. Si Luke ang anak ni Hermis ang nagsabing gusto nilang makasama siya sa asul na grupo. Pagkatapos ay nagkaroon ng isang ensayong digmaan, asul laban sa pulang grupo. Ang makakuha ng watawat ng kalabang grupo ang magwawagi sa ensayo. Ilang sandali pa ay nagsimula na ito. Si Luke at si Percy ay magkasama, sa daan nila ay may nakalaban sila, dito ay nagpaiwan si Luke kaya si Pery na lang maghahanap ng watawat. Sa paghahanap ay nakakita siay ng ilog. Iinom siya ng tubig dito ng bigla niyang nakita ang watawat. Akala niya'y madali niya lang makukuha ito pero nakabantay doon si Annabeth. Naglaban ang dalawa at walang magawa ito dahil sa napakagaling na mandirigma si Annabeth. Ininom niya ang tubig sa ilog at dahil dito ay gumaling ang kanyang mga sugat. Natalo niya si Annabeth at nakuha ang watawat kaya nanalo ang asul na grupo.
        Habang sila'y nagsasaya dahil sa pagkapanalo ng grupo ni Percy ay biglang lumabas si Hades sa apoy at sinabi kay Percy nabuhay pa ang kanyang ina. Maibabalik lamang ito kung ibibigay sa kanya ang lightning bolt.
      Kahit na wala sa kanya ang lightning bolt ay umalis si Percy kasama si Grover at si Annabeth. Tinulungan sila ni Luke para makarating sa mundong ibaba kung nasaan si Hades. Ipinaliwanag niya na kapag siya'y nasa mundong ibaba na ay makakaalis lamang ito sa pamamagitan ng perlas ni Persophone. Binigyan niya ang mga ito ng mga kagamitan at mapa na makakatulong sa kanila sa paglalakbay.
      Sa unang perlas ay nakasagupa nila si Medusa. Mahirap na kalaban ito dahil kapag tiningnan mo ang mga mata nito ay magiging bato ka. Nakita ni Medusa si Annabeth. Hindi ito makagalaw at makamulat dahil baka maging estatwa siya. Imumulat na sana niya ang kanyang mga mata ng biglang dumating si Percy para iligtas ito. Nakipaglaban si Percy kay Medusa sa pamamagitan ng repleksyon mula sa cellphone. Natalo niya ito at napugutan ng ulo. Itinago nila ang ulo nito at nilagyan ng harang ang mga mata nito dahil gagana pa rin ito kahit na pugot ang kanyang ulo. Nakuha nila ang unang perlas dito. Sa ikalawa ay pumunta sila sa Parthenon  at dito ay nakalaban nila ang hydra. Ginamit ni Percy ang mga gamit na ibinigay ni Luke para panlaban dito pero wala din itong nagawa. Natalo lang nila ito dahil itinapat ni Grover ang mga mata ni Medusa dito kaya naging bato ito. Sa pagkatalo ng Hydra ay nakuha nila ang ikalawang perlas. Para sa huling perlas, pumunta sila sa Lotus Casino na matatagpuan sa Las Vegas, Nevada. May nakain sila dito kaya limang araw na hindi nila naunawaan ang mga pangyayari. Nagising si Percy sa tulong ng kanyang amang si Poseidon.; at dahil dito'y nagising na rin si Grover at Annabeth. Nang makuha na nila ang perlas, ginamit nila ang kotseng nakadisplay at tumakas.Gamit ang kotseng ito, nagtungo silang Hollywood, dahil doon ang daan papunta kay Hades.
         Nang nakarating sila sa bahay ni Hades, sinalubong sila ni Persephone. Dinala sila nito kay Hades. Nang magkita sila, itinanong ni Hades kung nasaan na ang lightning bolt. Sumagot naman si Percy ng katotohanan, na wala sa kanya ito. Matapos nito, pinakita ni Hades si Sally, at sa pagkakataong iyon ay binaba ni Percy ang kanyang pananggalang upang mayakap ang kanyang ina.
         Nakita ni Hades na may kumikislap sa pananggalang ni Percy at nalaman nyang ito ang lightning bolt na kanyang inaasam. Sa gayon ay kinuha nya ito. Matapos nyang makuha ang ninanais, ay sinubukan niyang patayin si Percy, ang kanyang mga kasama at ang kanyang ina. Ngunit hindi niya inaasahang bigla siyang yayakapin ni Persephone at kukunin nito ang lightning bolt. Nang makuha ni Persephone,ginamit niya ito laban kay Hades na nagdulot dito ng kawalan ng malay.Matapos nito,binigay niya kina Percy ang lightning bolt at hinayaang makaalis. Gayunpaman, sapagkat tatlo lamang ang perlas, tatlo lamang din ang makaaalis. Dahil dito, nagpaubaya at nagpaiwan na si Grover; samantalang sina Percy, Annabeth at Sally ay umalis patungong Olympus. 
         Sa pintuan papuntang Olympus, biglang dumating si Luke, ang tunay na lightning thief at may kagagawan ng lahat. Nakipaglaban siya kay Percy ngunit siya'y nabigo. Sa dalawang minutong natitira sa pagtungo nila sa Olympus, matagumpay na naibigay ni Percy kay Zeus ang lightning bolt at ipinaliwanag na rin nito na si Luke talaga ang tunay na salarin sa pagkawala nito. 
        Matapos ng tagpong iyon, pinabalik ni Percy si Grover mula sa mundong ibaba. At si Percy ay tuluyan ng tumira at nanatili sa Camp Halfblood. Muli naging masaya siya, gayundin ang lahat.


Wednesday, February 9, 2011

Futuristic Story: Ang Magkaibigang CPU at Monitor

            Dumating na tayo sa panahon ng computer , "computer age" ika nga ng iba. Ang computer ay kailangan sa opisina, paaralan, bahay, istasyon ng TV,  sa radyo at sa kahit saang sulok ng mundo. Daan- daang libong magaaral ang nangangailangan ng computer sa araw-araw na ginawa ng Diyos. Sa Mataas na Paaralan ng Col. Lauro D. Dizon Memorial National High School ay libo-libo ang mga magaaral kung noong araw ay hindi napapbilang ang Dizon High sa mga patimpalak, iba na ngayon. Daig pa ng Dizon ang ibang private school. Di matatawaran ang husay at kakayahan ng mga mag-aaral. Sila'y nangunguna sa halos lahat ng patimpalak sa iba't-ibang larangan partikular na dito ang mga nasa science section. Sila'y umaabot hanggang pambansang patimpalak at ito'y di mangyayari kundi dahil sa mga mahuhusay na na guro ng Dizon High. Upang mapanatili ang pangunguna dapat patuloy na ang paggabay at pagsubaybay ng mga magulang at guro sa kanilang mga anak at estudyante. Isa sa mga pangunahing pangangailangan ng mga ito ang computer. Mapalad ang mga batang may computer sa bahay dahil hindi na nila kailangan pang magrenta sa labas hindi gaya ng iba na kahit disoras ng gabi ay nagrerenta sa mga computer shop para gumawa ng mga assignment
             Ang computer ay maraming bahagi mayroong CPU, Monitor, Keyboard, mouse, printer, at AVR. Sa mga bahaging ito ng computer ay nagsisimula ang aking maikling kwento.
            Isang araw sa computer laboratory, naguusap ang isang CPU at isang monitor.Ang dalawang ito ay matalik na magkaibigan at lagi silang nagtutulungan sa oras ng kagipitan.Ilang sandali pa'y napagusapan nila ang kanilang mga gamit.
           "Ako ang pinakamahalaga dahil ako ang pinakautak ng lahat, sa akin lahat nakaimbak ang mga dokumento", sabi ng CPU.
            "Mas mahalaga ako kaysa sa iyo,  para saan pa ang lahat ng ginagawa mo kung hindi naman makikita. Iyan ang ginagawa ko", ani ng monitor.
             "Napakahalaga nating dalawa dahil kung wala ka at wala ako ay hindi gagana ang isang computer", wika ng CPU.
             "Tama ka diyan! Napakahalaga natin lalong-lalo na sa mga estudyante dahil sa atin sila naasa sa paggawa ng kanilang mga takdang aralin at proyekto", sabi ng monitor.
            "Oo nga pero yung ibang estudyante ay ginagamit tayo sa mga walang kabuluhang bagay katulad ng sinabi sa akin ng mga pinsang natin nasa mga computer shop. Ayon sa kwento, hindi napasok ang mga estudyante  dahil sila ay naglalaro ng mga computer games.
              Nagisip ang dalawa ng mabisang paraan nang sa gano'y matigil na ang mga gawaing ito. Sa ilang oras na pagiisip ay nakatuklas na sila ng paraan. Ito'y sa pamamagitan ng paglalagay ng isang espesyal na virus para lamang sa mga laro. Sa paglalagay nito'y masisira ang mga laro at hindi ang mismo ang computer. Pinaalam nila ito sa iba at pumayag naman ang mga ito. Dahil sa espesyal na virus noon ay nawala ang mga laro sa computer.
               "Sa wakas ay sa mabuting paraan na tayo ginagamit ng mga tao", ani ng CPU.
                "Oo nga, pero sana huwag nang bumalik pa ang mga ito magpakailanman", sabi ng monitor.
                Isang araw ay mahimbing na natutulog ang dalawang magkaibigan nang biglang ginising sila ng isang virus.
               "Hindi inaasahang nagkaroon kami ng masamang epekto. Ang mga ito ay kinkain na kami!", wika ng isang mabuting virus.
               Nang maubos ang mga mabubuting virus ng mga masasama ay sinusubukang sakupin ng mga ito ang dalawa. Ang mga virus ay napakalakas kaya hindi nila ito mapigilan.
              "Anong gagawin natin ngayon?", tanong ng monitor.
              "Hindi ko alam pero kapag ito ay kumalat ay napakalaking problema", ani ng CPU.
               Iisa lang ang naiisip ng dalawa ta ito ay ang magsakripisyo para sa nakararami. Napagkasunduan nila na pasabugin ang kani-kanlang mga sarili ng sa ganon ay mawasak ang mga virus. Ginawa na nila ang plano at nawasak ang mga virus kasama sila. Ang kabayanihan ng dalawa ay nakarating sa iba kaya ipinagbunyi ng mga ito ang dalawa



Tuesday, February 8, 2011

Tula Tungkol sa Pag-ibig ni Jose Rizal


Tula Tungkol sa Pag-ibig
"Ang pag-ibig ay mapagpahinuhod, at magandang loob; ang pag-ibig ay hindi nananaghili; ang pag-ibig ay hindi nagmamapuri, hindi mapagpalalo
Hindi nag-uugaling mahalay, hindi hinahanap ang kaniyang sarili, hindi nayayamot, hindi inaalumana ang masama;
Hindi nagagalak sa kalikuan, kundi nakikigalak sa katotohanan;
Lahat ay binabata, lahat ay pinaniniwalaan, lahat ay inaasahan, lahat ay tinitiis...."


PUGAD NG PAG-IBIG

Pag-ibig anila'y bulag ang kahambing,
Hindi nakakikilala ng pangit at matsing,
At kahit pa nga magdildil ng asin,
Duling na sa gutom, maligaya pa rin!

Ganyan bang pag-ibig... martir at dakila?
Sa wari'y bayani't sundalo ng digma,
Sugatan ma't lumpo, lalaban ng kusa
Ipakikibaka bansang sinisinta.

Walang pasubaling ganyan ang katulad
Ng magkasintahang nasa isang pugad,
Hindi papipigil harangan man ng sibat,
Pagkat alipin na ng pusong bumihag!

Ngunit kung minsan nga'y iba ang pag-ibig,
Humugis na talim - gahaman at ganid,
Kumikitil ito, sa buhay pasakit,
Luluha ka lamang ng dugo at putik!

At magkaminsan pa'y hatid nito'y sama,
Kasalanan ang siyang dala nitong bunga,
Buhay ng pag-ibig wala ngang kapara
Salimuot ng gulo, magulong dakila!


"Ngayon ang tatlong ito ay mananatili, ang pananampalataya, ang pag-asa at ang pag-ibig. Ngunit ang pinakadakila sa tatlong ito ay ang pag-ibig. "

                       Tamang-tama ang tulang ito dahil ngayon ay buwan ng mga puso. Binibigyan nito ng inspirasyon ang mga nagiibigan na kahit na maraming kinahaharap na problema ay hindi nagiiwanan. Ang aral na inilalahad nito ay huwag sumuko sa mga problema dahil may pagasa pa. 
                      Ang pag-ibig ay napakahalaga sa buhay ng tao dahil kung wala nito ay puro kaguluhan na lang ang ating mararanasan, kapag may pag-ibig ay may buhay at ang galit ay magdadala sa atin ng kasiraan.

Tuesday, February 1, 2011

The Most Awaited Event of Juniors and Seniors

                 
                    The most awaited event of third year and fourth year students is the JS Prom. All students are excited for this event because there is a new theme. This theme is the Hawaiian Style. It is the first time in the history of Dizon high to have a theme instead of formal and because of that many students are excited in this wonderful happening.
                     Many are amaze when they saw the beautiful ambiance of the place where the JS Prom will be held. They were more surprise when they saw the lights and hear the sounds coming from the drum beaters. The event started by a intermission of firedancers. Students make a thunderous round of applause after that hot number. After that, the main program started. Teachers and selected pupils dance with the beat of Hawaiian song. There was a contest to select in all the students the most beautiful of the night. Judges also chose stars of the night in all the teachers.
                     After the announcement of winners, it is the time dance, it's Party time!!. All of the students danced including me. Photographer took a picture of different sections. In overall, I have a great experience in this event and I hope it is not the last.