Wednesday, February 9, 2011

Futuristic Story: Ang Magkaibigang CPU at Monitor

            Dumating na tayo sa panahon ng computer , "computer age" ika nga ng iba. Ang computer ay kailangan sa opisina, paaralan, bahay, istasyon ng TV,  sa radyo at sa kahit saang sulok ng mundo. Daan- daang libong magaaral ang nangangailangan ng computer sa araw-araw na ginawa ng Diyos. Sa Mataas na Paaralan ng Col. Lauro D. Dizon Memorial National High School ay libo-libo ang mga magaaral kung noong araw ay hindi napapbilang ang Dizon High sa mga patimpalak, iba na ngayon. Daig pa ng Dizon ang ibang private school. Di matatawaran ang husay at kakayahan ng mga mag-aaral. Sila'y nangunguna sa halos lahat ng patimpalak sa iba't-ibang larangan partikular na dito ang mga nasa science section. Sila'y umaabot hanggang pambansang patimpalak at ito'y di mangyayari kundi dahil sa mga mahuhusay na na guro ng Dizon High. Upang mapanatili ang pangunguna dapat patuloy na ang paggabay at pagsubaybay ng mga magulang at guro sa kanilang mga anak at estudyante. Isa sa mga pangunahing pangangailangan ng mga ito ang computer. Mapalad ang mga batang may computer sa bahay dahil hindi na nila kailangan pang magrenta sa labas hindi gaya ng iba na kahit disoras ng gabi ay nagrerenta sa mga computer shop para gumawa ng mga assignment
             Ang computer ay maraming bahagi mayroong CPU, Monitor, Keyboard, mouse, printer, at AVR. Sa mga bahaging ito ng computer ay nagsisimula ang aking maikling kwento.
            Isang araw sa computer laboratory, naguusap ang isang CPU at isang monitor.Ang dalawang ito ay matalik na magkaibigan at lagi silang nagtutulungan sa oras ng kagipitan.Ilang sandali pa'y napagusapan nila ang kanilang mga gamit.
           "Ako ang pinakamahalaga dahil ako ang pinakautak ng lahat, sa akin lahat nakaimbak ang mga dokumento", sabi ng CPU.
            "Mas mahalaga ako kaysa sa iyo,  para saan pa ang lahat ng ginagawa mo kung hindi naman makikita. Iyan ang ginagawa ko", ani ng monitor.
             "Napakahalaga nating dalawa dahil kung wala ka at wala ako ay hindi gagana ang isang computer", wika ng CPU.
             "Tama ka diyan! Napakahalaga natin lalong-lalo na sa mga estudyante dahil sa atin sila naasa sa paggawa ng kanilang mga takdang aralin at proyekto", sabi ng monitor.
            "Oo nga pero yung ibang estudyante ay ginagamit tayo sa mga walang kabuluhang bagay katulad ng sinabi sa akin ng mga pinsang natin nasa mga computer shop. Ayon sa kwento, hindi napasok ang mga estudyante  dahil sila ay naglalaro ng mga computer games.
              Nagisip ang dalawa ng mabisang paraan nang sa gano'y matigil na ang mga gawaing ito. Sa ilang oras na pagiisip ay nakatuklas na sila ng paraan. Ito'y sa pamamagitan ng paglalagay ng isang espesyal na virus para lamang sa mga laro. Sa paglalagay nito'y masisira ang mga laro at hindi ang mismo ang computer. Pinaalam nila ito sa iba at pumayag naman ang mga ito. Dahil sa espesyal na virus noon ay nawala ang mga laro sa computer.
               "Sa wakas ay sa mabuting paraan na tayo ginagamit ng mga tao", ani ng CPU.
                "Oo nga, pero sana huwag nang bumalik pa ang mga ito magpakailanman", sabi ng monitor.
                Isang araw ay mahimbing na natutulog ang dalawang magkaibigan nang biglang ginising sila ng isang virus.
               "Hindi inaasahang nagkaroon kami ng masamang epekto. Ang mga ito ay kinkain na kami!", wika ng isang mabuting virus.
               Nang maubos ang mga mabubuting virus ng mga masasama ay sinusubukang sakupin ng mga ito ang dalawa. Ang mga virus ay napakalakas kaya hindi nila ito mapigilan.
              "Anong gagawin natin ngayon?", tanong ng monitor.
              "Hindi ko alam pero kapag ito ay kumalat ay napakalaking problema", ani ng CPU.
               Iisa lang ang naiisip ng dalawa ta ito ay ang magsakripisyo para sa nakararami. Napagkasunduan nila na pasabugin ang kani-kanlang mga sarili ng sa ganon ay mawasak ang mga virus. Ginawa na nila ang plano at nawasak ang mga virus kasama sila. Ang kabayanihan ng dalawa ay nakarating sa iba kaya ipinagbunyi ng mga ito ang dalawa



No comments:

Post a Comment